Honest Review/Blog: Bolinao, Pangasinan Trip 2017

To be honest…..

Sobrang sulit ng naging trip ko sa Bolinao, Pangasinan (Patar Beach). Noon ayaw ko talaga sa dagat kasi hassle, di ka naman makalangoy nang maayos kasi maalon tapos masusunog pa ang balat mo dahil sa alat ng tubig na sinamahan ng tirik na init ng araw. Pero nagbago lahat ng pagtingin ko nung nakarating ako sa Bolinao. Oo hindi naman mawawala ang kaunting hassle lalo na yung almost forever na byahe pero worth it. At ang review/blog na ito ang magbibigay sa inyo ng guide kung sakaling gusto niyong mamasyal sa Bolinao. I will breakdown everything mula sa terminal sa Cubao papunta hanggang sa Terminal sa Bolinao pabalik ng Manila. 
Patar Beach

PAPUNTA:

In fairness sa mga bus company natin ngayon, napakadali nang pumunta sa iba't ibang bahagi ng Luzon dahil halos lahat na ata may ruta sila. At siyempre, may byahe papuntang Bolinao, Pangasinan. Basta maghanap lang kayo ng bus liner na pa-norte makakarating kayo ng Pangasinan. Pero may bus liner naman na diretso na talaga ng Bolinao - Victory Liner at Five Star (as far as I know). Ang balak talaga dapat namin ng girlfriend ko sa Victory Liner kami dahil nagtingin na rin ako ng schedule ng trip sa website nila (kudos to their website kasi lahat ng details na kailangan mong malaman nandon). KAYA LANG… our bad, medyo nalate kami ng dating doon. 6:30 kasi ang alis ng bus (first trip) tapos 6:30 rin sakto kami nakarating sa terminal and yes puno na yung bus at paalis na. Ang next trip na nila ay 9:30 (and it is subject to change depende sa dating ng bus nila). SO I HIGLY ADVICE na pumunta sa terminal nang maaga dahil wala rin silang reservation sa website nila, first come first serve basis. So no choice, we have to find other bus liner na may pa-Bolinao at napadpad kami sa Five Star Bus. Medyo magulo sa terminal nila, walang definite na pila ng kung saan ang saan. Tapos walang ticket booth, kaya balewala kung may pila man dahil pwede kang masingitan. Luckily may bus from Bolinao na dumating at nagbakasakali na kaming abangan na lang yun. Medyo badtrip lang si kuyang driver na di makausap nang maayos. Tinanong kasi namin (kasama ung iba pang pasahero) kung aalis na ba agad siya. Sabi niya magwawalis lang daw muna 'yung konduktor sa loob. Nagtanong ako kung mga anong oras ba ang alis, kasi kung tipong mga 9 am din edi babalik na lang kami sa Victory Liner, atleast doon sigurado. Pero imbes na sagutin ako tinawanan lang ako ni kuya na parang sarcastic na tawa na para bang sinasabi niya na "bat ka ba nagtatanong? Aalis kami kung aalis na kami". WALA SILANG SISTEMA, dipende lang sa trip nila kung kailan nila gustong bumyahe. Sabay sabi ng driver na alas diyes pa raw sila aalis. Hindi ako naniwala, kasi sakay na sakay na yung mga pasahero. After mga 20 minutes, nagpasakay din siya tas naghintay lang mapuno at umalis din agad (by 7:30 we're on our way already). KAYA SHOUT OUT KAY KUYA, KUPAL KA! :'D

NOTE: May dalawang bus stop lang papunta, but supposedly tatlo, again, dipende lang siguro talaga sa driver.

FARE: 459.00 pesos



Five Star Bus Terminal, Cubao















PAGKADATING SA BOLINAO TERMINAL:

Pagkadating sa Bolinao Terminal (around 1-2pm), marami nang pilahan ng tricycle, kabilaan, may ilan na parang colorum na nasa isang tabi lang at mangungulit na sa kanya ka sumakay. BUT I highly recommend na sa pilahan kayo sumakay, hindi lang dahil iyon ang tamang gawin bilang respeto na rin sa mga nanghahanapbuhay nang tama (pumipila sa tama), kundi mas mukhang reliable iyong mga nasa pila dahil kumpleto yung tricycle ng markings na required sa mga TODA (TODA name, tricycle number), and that's a must at least for me.

ANG SWERTE NAMIN dahil sobrang bait ng nasakyan namin, si Kuya Enteng (09487701942)
With Kuya Enteng

So nagpahatid kami sa kanya papunta sa resort kung saan kami nagpa-reserve (Villa Soledad Beach Resort, I will do a separate HONEST review on that beach resort). TAKE NOTE, mahal talaga ang tricycle sa Bolinao, huwag nang mambarat kasi wala ka sa maynila :'D. Siningil kami ni kuya ng 100 pesos, which is nagtaka kami dahil it's cheaper sa normal na 150 pesos (based on my friends na nakapag-Bolinao na) na pamasahe don papunta sa karamihan ng mga resort na tabing dagat (kasi malayooooo naman talaga yung dalampasigan from city proper/terminal). Upon arrival, dito na magaganap yung kontratahan which is normal na raw talaga doon dahil once na nasa resort of choice ka na, mahirap na humanap ng masasakyan at mukhang tricycle lang talaga ang mode of transpo doon. So, kinuha namin ang number ni kuya para pag pauwi na kami kinabukasan eh may contact kami na susundo sa amin. Then nag-suggest na rin siya ng mga attractions doon na pwede pa namin puntahan.

THE STAY:

Unfortunately, one night stay lang kami sa Pangasinan (Saturday to Sunday) so we had a very limited time. Hapon na rin kami nakarating ng Saturday so we decided na magpahinga na lang muna, anyways may dagat naman sa tapat ng resort so pwede naman kaming maglakad-lakad na lang muna doon. Pagkatapos naming magpahinga nang kaunti lumabas na kami para i-appreciate ang dagat. SOOOOBRANG PEACEFUL nung tubig sa tapat ng resort na napuntahan namin. Ang sarap magmuni-muni, maglakad-lakad, mag-emote, mag-selfie, at kahit na ano pang gusto mong gawin dahil halos wala namang ibang tao. And it's very amazing na ang babaw lang ng tubig, more or less than one kilometer na ang layo namin mula sa dalampasigan pero hanggang binti pa lang yung tubig. Tapos walang kaalon-alon, dahil sa malayo pa lang nadidissolve na yung alon (I believe that body of water is part of Lingayen Gulf? At baka ganon talaga kapag golpo, hindi na umaabot ang alon sa dalampasigan? Just my speculations :D). To prove na sobrang layo ng pwede mong marating, it took us 45 minutes to go dun sa farthest na narating namin and pabalik (may small rock form kasi sa bandang malayo na pinupuntahan ng iba, nung una medyo takot kami dahil ang layo at di namin kabisado yung dagat dahil baka biglang lumalim but then before the sun sets we decided na puntahan na para naman sulit).
Beach Front, Villa Soledad Beach Resort

May mga bata rin na mag-aalok ng sakay papunta doon sa maliit na isla (kung ayaw mong maglakad)


See that islet sa may right side? You can go there without drowning :D

Crystal clear water

Hanggang tuhod lang ang tubig kahit ganyan na kalayo, NICE!
That's the small island like rock. Sadly they modified it, nilagyan ng stairs ung bato. :'(



See that sand??? WOW!

That's how peaceful the sea is there, sinong aayaw sa ganyang kapayapaan?

Dahil wala masyadong tao, pwedeng magpaka-cheesy! Yie!

FAST FORWARD…

Kinabukasan na kami namasyal, at yung Bolinao Light House, Patar Beach at Bolinao Church lang ang napuntahan namin again bacause of the limited time. Pero maraming pwedeng puntahan doon na inialok sa amin ni Kuya Enteng tulad ng Bolinao falls, Enchanted Cave, and Rock View.

*Sobrang bait talaga ni Kuya Enteng, at marunong sa oras, kapag sinabi mong sunduin ka sa resort ng ganitong oras, 30 minutes before nandyan na siya. At sobra kaming natuwa nung pagsundo niya samin, May dala siyang isang plastic bag ng sinegwelas!!! Pinitas niya sa puno nila para sa amin at walang bayad! Kudos to Kuya Enteng talaga.

BOLINAO LIGHT HOUSE

LIBRE ang pagpasyal sa Bolinao Light House. It's about 20 - 30 minutes away from Villa Soledad and it's beautiful. Tapos along the way na ito nang papuntang Patar Beach so wala nang pabalik-balik na byahe. Wala nga lang bantay or someone na pwedeng mapagtanungan ng tungkol sa light house, mas maganda kasi sana kung malaman mo manlang atleast yung history. Then, dahil nga walang bantay, naka-lock lang yung light house. It would be more fun sana kung pwedeng akyatin yung parola. But over all, it's great to see a lighthouse (Walang ganon sa Maynila), at isa pa LIBRE :)

Hagdan paakyat ng light house, pero naka-lock yung gate. :'(



PATAR BEACH

SOME HOW DISAPPOINTED. Kasi ang ine-expect ko eh yung payapang dalampasigan, kasi yun ang mga naririnig ko sa mga nakapunta na roon. Kesyo hindi pa raw masyadong napupuntahan ng mga tao kaya tahimik at malinis. PERO HINDI… Sobrang daming tao, at sabi pa ni Kuya Enteng konti pa raw iyon dahil patapos na rin naman ang summer vacation nung nagpunta kami. Halos lahat ng cottage puno. Tapos kanya-kanyang kasiyahan yung mga tao. Kaya naglakad kami sa malayo sa mga cottages kasi doon medyo kaunti na ang tao, at siyempre sinamahan kami ni Kuya Enteng at binantayan niya lang kami pati yung mga gamit namin. Medyo disappointed din ako sa mismong beach, kasi sobrang lakas ng alon at hindi ka pwedeng lumayo kung di ka marunong lumangoy dahil di ka pa nakakalayo ang lalim na agad ng tubig. Sabi pa ni Kuya Enteng may mga muntik nang malunod doon dahil hahatakin ka talaga ng alon papunta sa malalim na part. THEN, WALANG LIFE GUARD. Dati raw mayroon kaya lang dahil hindi naman na-maintain ang pagpapasweldo sa mga life guard eh nawala rin sila. Tanging mga residente na lang din doon ang siyang tutulong sumagip kung sakaling may malunod or what.

Commendable lang talaga yung sand dahil pino at maganda ang kulay. Kahit nadisappoint ako nang kaunti, naenjoy ko pa rin naman dahil sobrang linaw naman ng tubig, at di siya tulad ng ibang dagat na ang lansa ng simoy ng hangin na feeling mo kapag lumangoy ka may palikpik ka na pag-ahon.
Jackpot pa dahil may ilang bisita doon na gumawa ng mga "I Love Bolinao" sa buhangin kaya, Picture Picture!


Over-all, ito yung beach na pwede mo namang sabihin na "babalik ako dito". Di naman na talaga siguro mawawala ang dami ng mga tao sa mga beach (lalo na iyong mga beach/lugar nag-viral sa facebook and Patar is one of them) kapag summer so isa 'yun sa mga bagay na pwede naman nang palampasin, kung isang magandang karagatan naman ang bubungad sa'yo. AND TAKE NOTE, LIBRE! Wala kayong babayarang entrance, tanging parking fee lang (pag-park nung tricycle) ang babayaran ninyo, and it's only 25 pesos. 
Vitamin Sea! :)


Ito yung spot na medyo kaunti yung mga tao, just a short walk from the parking lot/entrance


Ito 'yung sinasabi ko na 'di ka pa nakakalayo hanggang dibdib na 'yung tubig.

Siyempre sinulit ko na 'yung buhangin :)

The sand is wonderful!

LASTLY…

Bago kami magpunta ng Bolinao Church (Saint James the Great Parish Church) nagpahatid muna kami pabalik sa resort para magbanlaw na at mag-ayos ng gamit dahil 12 noon ang check out namin. Fast forward,  bumyahe na kami papuntang Bolinao Church which is nandoon pala sa city proper malapit sa Terminal (di namin napansin):'D
Pagkahatid samin ni kuya Enteng binayaran na rin namin siya, and the whole trip with him cost us 600 pesos, a bit pricey, pero katulad nga ng sabi ko, ganoon talaga ang presyuhan ng tricycle doon.

BOLINAO CHURCH

It's amazing kasi sobrang tanda na nung simbahan (itinayo noong 1609). And Pangasinense's claim that the first mass in the Philippine soil was held at Bolinao. We stayed there a bit, prayed, then proceeded to the terminal (oh kumain pala muna kami sa isang karinderya at bumili ng mga pasalubong)

Sa loob ng Bolinao Church

WAY HOME…

Mas madali iyong pauwi kasi pagdating mo sa terminal most probably may available na agad na bus pa-Cubao. Ang kaigihan pa, hindi na sila nagpupuno sa terminal kaya pagkasakay namin, umalis na rin agad yung bus. 459 pesos din ang pamasahe katulad lang ng papunta. Umalis ang bus ng 1:45 pm, we arrived at Cubao by 8:00 pm.

FINAL THOUGHTS…

Oo malayo, pero itong byahe na ito ang nagpatunay sa akin na "there's more in the Philippines". At hindi akong magdadalawang isip na bumyahe ulit nang ganoon kalayo para masulyapan pa ang ibang bahagi ng Pilipinas (Luzon at least). Dito mo rin makikita kung gaano kabait ang mga Pilipino, dahil kahit saan ka mapadpad hindi ka mawawalan ng tutulong sayo (muli salamat kay Kuya Enteng!). Hindi naman masama ang paminsang pagtakas sa abala at mataong Maynila, kaya hinihikayat ko kayong bumyahe at diskubrehin ang ganda ng Pilipinas! TRAVEL. RELAX. AND HAVE FUN!

 GASTOS BREAK DOWN

Before I do the breakdown, I just want to remind you that this is not a "anong mararating ng 1000 pesos mo" travel :D. Based ito sa naging gastos namin sa biyaheng ito. Tsaka, hello, kung minsanan ka lang naman mag-travel titipirin mo pa ba ang sarili mo?

FARE:

For Cubao - Bolinao - Cubao Round Trip:
Prepare 1000 pesos per head (459 pesos per trip, airconditioned bus with wifi)

For Tricycle:
Kung gusto niyong lumibot sa mga tourist attractions sa Bolinao prepare 1000 pesos din.
In our case - inabot kami ng 700 pesos kay kuya Enteng, 100 pesos nung paghatid samin sa Villa Soledad from terminal, tas 600 yung bayad kinabukasan mula sa pagpasyal hanggang sa paghatid sa amin pabalik ng terminal.

For the Resort:

Villa Soledad Beach Resort - Cheapest room costs 3000 pesos per night inclusive with breakfast and use of all the amenities like swimming pool, billiards, volley ball and basketball court etc. (Abangan ang HONEST review ko sa Villa Soledad)

For Food:

Depende sa kakainan, but I don't recommend eating sa Villa Soledad (kung doon niyo man balak mag-stay) kasi mahal. We allotted a thousand for food for two.

For Souvenirs:

500 pesos will do (bumili ako ng t-shirt na may print ng bolinao for 150 pesos, ref magnet worth 100 pesos, then kakanin worth 200 pesos)

Grand Total: 

Around 4000 - 6000 pesos per head depende sa magiging gastos ninyo kapag nandoon na.

*AGAIN THIS IS A "MALUHO" TRAVEL, pinag-ipunan namin kaya we have really allotted some money for this. And besides, worth naman 'yung gastos dahil naging sobrang kumportable naman kami sa buong dalawang araw na iyon.

BUT...

If you're really in a budget, may nakita ako na mga nagtayo ng tent malapit sa dalampasigan and you can try it too, oh less 3k na iyon kasi di na kayo magrerent ng room. Tapos mag-ordinary bus kayo, 351 pesos lang ang pamasahe. Tapos may mga karinderya namang pwedeng kainan doon tyaga lang sa paghahanap. ORAYT!





*If you find this helpful, please share para makatulong din sa iba na nagbabalak magpunta sa Bolinao, Pangasinan. :)

Comments