Honest Review/Blog: Bolinao, Pangasinan Trip 2017
To be honest….. Sobrang sulit ng naging trip ko sa Bolinao, Pangasinan (Patar Beach). Noon ayaw ko talaga sa dagat kasi hassle, di ka naman makalangoy nang maayos kasi maalon tapos masusunog pa ang balat mo dahil sa alat ng tubig na sinamahan ng tirik na init ng araw. Pero nagbago lahat ng pagtingin ko nung nakarating ako sa Bolinao. Oo hindi naman mawawala ang kaunting hassle lalo na yung almost forever na byahe pero worth it. At ang review/blog na ito ang magbibigay sa inyo ng guide kung sakaling gusto niyong mamasyal sa Bolinao. I will breakdown everything mula sa terminal sa Cubao papunta hanggang sa Terminal sa Bolinao pabalik ng Manila. Patar Beach PAPUNTA: In fairness sa mga bus company natin ngayon, napakadali nang pumunta sa iba't ibang bahagi ng Luzon dahil halos lahat na ata may ruta sila. At siyempre, may byahe papuntang Bolinao, Pangasinan. Basta maghanap lang kayo ng bus liner na pa-norte makakarating kayo ng Pangasinan. Pero may bus liner naman na direts...